Games
 
League of Slang: Pinoy Style
BY IAm Coffeeholic - April 17, 2016

Sa araw-araw na paglalaro ko ng League of Legends, hindi maiiwasang gumamit ng slang o mga salitang kapwa Summoners lang din ang nakakaintindi. Nakakatulong ito upang umigsi ang oras na ginagamit sa pag type. May mga sitwasyon parin kasi na hindi mo pwedeng gamitan ng Ping System in game. Karamihan sa mga slang phrase ay pinapaigsi pa at ginagawan ng abbreviation o yung unang letra lang ng salita ang tina-type. Madalas itong nakakatulong ngunit minsan ay nakakalito rin. Narito ang mga abbreviations at slang na madalas mong mababasa sa isang game:

1. GL/GLHF o "Good Luck"/"Good Luck Have Fun"

Karaniwang binabanggit sa umpisa ng game, ito'y isang simpleng pagbati sa mga kakampi at kalaban. Isang paalala na wag masyadong dibdibin ang laro, unless nasa isang ranked match ka.

2. TY at NP o "Thank You" at "No Problem"

Kalimitan ito binabanggit jungler at mga nag leash sa kanya. Maari din gamitin kapag maganda ang nangyari sa isang gank o nailigtas ka ng kakampi mo mula sa kamatayan. Ang pagsasabi ng "TY" at "NP" ay simbolo ng pasasalamat at pagbibigay galang. Sana mas madalas pa natin ito mabanggit in game. Lalo na kung Support ang role, nakakataba ng puso na ina-acknowledge ng mga kakampi mo ang pagtulong mo. So guys, always thank your Supports (and other team mates din, pero mas dalasan nyo yung sa Supports *continues ranting*).

3. CS o "Creep Score/Steal"

Unang reklamo ng mga Marksman kapag naagawan sila ng creep kill. Pero alam nyo ba na ang isa pang meaning ng CS ay "Creep Score"? Nakikita ito sa bandang kanan ng KDA (Kill-Death-Assist) ratio. Pag sinabihan ka ng team mates mo na mababa ang CS mo, ibig sabihin nun ay dapat galingan mo sa pag last hit sa mga minions. Pero kapag sinabihan ka naman na huwag ka mag-CS, ibig sabihin naman nun ay wag mo agawin ang creep kills nya. Parang love lang, dapat walang agawan.

4. TH o "Tower Hug"

Ito ang pinakamadalas gamitin o sabihin na tactical command sa game (Wow, "tactical command"! *nosebleed*). Simple lang ang inuutos sa'yo: dumikit ka sa tower ng team nyo. Isa itong defensive command na madalas sabihin ng Support sa kanilang Marksman kapag iniiwan nila ito sa lane o pag nakikita ng team mates mo na dehado ka sa bilang ng mga kalaban.

5. TD o "Tower Dive/Destroy"
Ang Tower Dive ay isa ding common tactical command ngunit ito ay aggressive/offensive. Sinasabi ang Tower Dive kapag sigurado ang team mates mo na kaya nyo maka-kill kahit na naka-TH ang kalaban. Madalas din itong nababanggit kapag balak ng team mates nyo na mag gank.
Ang Tower Destroy naman ay ang command na ginagawa kapag kaya ng team nyo ituloy ang push sa lane. Sinasabi ito upang maging iisa ang objective ng team, ang pag destroy ng enemy tower. Ang pagsabi ng TD ay nababase sa sitwasyon ngunit isa lang ang pinaparating, let's get ready to rumble!

6. BD o "Back Door"


Wasak na ba ang Nexus Towers at meron kahit isang Inhibitor na sira sa base ng kalaban? Mag back door kana! Ngunit masasabi lang na nag BD ang isang player kung pumunta sya direkta sa tower/inhibitor/Nexus na umiwas sa mga kalaban o hindi sumabay sa creep wave. Nangyayari ito minsan kapag clash, isa sa team mates mo o ng kalaban ang wala sa bakbakan dahil ang punterya pala ay ang base structures. Sinasabi mang madaya pero ang pag back door ay isa paring form of strategy at kasalanan ng team na nagamitan ng BD dahil walang nag defend sa kanilang base.

7. Gank

Ang gank ay ang usual tactic ng mga Jungler. Ito ay ang supresang pag sugod sa isang lane mula sa river o jungle area ng map. Ngunit hindi naman ito exclusive sa mga jungler, lahat ng player ay maaring mag set ng gank at ang pangotra dito ay proper warding at lane reporting. Maganda ang isang gank kung talagang na surprise ang enemy team at hindi sila nakalaban.

8. FF o "Full Force"/"Focus Fire"

Meron ka bang kalaban na masyadong mataas ang damage rate, bumubuhat sa enemy team kapag clash, o well-fed? FF o Focus Fire ang kasagutan dyan! Ibig sabihin nito ay priority ang kalaban na iyon. Siya ang unang dapat pabagsakin ng team ninyo. Maari din sabihin ang FF kapag luging-lugi na ang team nyo sa game. Full Force surrender. Sadnu?

9. GJ o "Good Job"

Successful ba ang gank? Naagaw ba ang Dragon o Baron kill? Pulado na sa labanan ngunit naka pentakill padin? Naligtas ang buhay ng duguan mong kakampi? GJ!

10. Carry

Ang Carry ay maaring isang Attack Damage o Ability Power type champion. Ang mga ganitong champion ay nangangailangan ng tulong ng mga kakampi sa umpisa ng game upang maka score ng kills ngunit nagiging halimaw pag dating ng late game lalo na kung mataas ang kanyang naging score at mabilis na nakabuo ng magagandang items. Hindi lahat ng carry champions ay Marksman o Ranged. Halimbawa nito ay sina Yasuo, Zed, Talon, Annie, Malhazar, at Katarina.

12. P at B o "Push" at "Back"

Madalas sabihin ang Push kapag ang target na ninyo ay ang enemy tower habang ang Back ay para bumalik sa base o umiwas ka sa labanan dahil alam ng team mates mo na mamamatay ka. Better safe than dead.

13. Def o "Defend"

Defensive tactical command. Madalas itong sinasabi kapag ang isa sa mga towers o inhibitors nyo ay nagtatake ng damage mula sa minions o sa enemy champions para gawing priority ng team ang pag save sa structures nyo.

14. OM o "Only Mid"

Sinasabi ito upang tipunin ang buong team sa middle lane upang mag push o mag defend. Madalas clash na ang kasunod after ng OM, good luck.

15. GGWP o "Good Game Well Played"

Binabanggit ng mga Summoners kapag patapos o tapos na ang laban. Syempre ang labanan ay sa game lang at hindi dapat pinapersonal. Good game na mga sir!

Sana ay naging tulong ito para sa mga bagong Summoners! Enjoy nyo lang ang pag lalaro ng League of Legends, nakakalito man ang ibang bagay sa ngayon, masasanay din kayo. Kaya laro lang ng laro! See you sa Summoners' Rift!